Bata pa nang simulang hangaan ang mga pulitiko
Naniwalang sila’y makapagdadala ng pagbabago
Ngunit sa huli’y ako ang nabigo, dusa inabot ko
Ang pangarap ko’y nawala na parang pumutok na lobo
Bansang Pilipinas ay hawla ng mga TraPo
Mga salita dito’y puro na lamang “pangako”
Kabataang tulad ko ay umiinit ang ulo
Plaka sana’y uminit, mag-apoy at maging abo
Dapat mga sirang plaka’y nasa aparador na
Dahil nakakasawa nang pakinggan
Hindi mo mawari kung tutunog pa ng maganda
Paano na kaya ang kinabukasan ng mga kabataan
‘Di ko saklaw ang Pilipinas na Arkepelago
Pati na rin ang mga pag-iisip ng tao
Ngunit sana tayo’y mag-isip nang alternatibo
Bansa’y nangangailangan ng totoong pagbabago
First published as a requirement in MP10 class, second semester of the S.Y. 2009-2010
THIS IS A PRODUCT OF A CLASS ACTIVITY wherein we the students were asked to bring something that we found in our package or anywhere, and we were asked to make a poem out of the found stuff.
THIS IS A PRODUCT OF A CLASS ACTIVITY wherein we the students were asked to bring something that we found in our package or anywhere, and we were asked to make a poem out of the found stuff.
No comments:
Post a Comment