Thursday, May 13, 2010

Aray labi ed Pangasinan

ARAY LABI ED PANGASINAN
(Mga Gabi sa Pangasinan)


Bumabalot sa bukiring malawak ang tinig ng kapayapaan
Kaagapay ng mga bituin ang posteng sa kaliwanagan ng munting kubo
Ang mga pumipikit-pikit na Estrellang malaki ang nagbibigay buhay sa malaking bato.
Ang mga nagsusunog ng baga ay ang tanging laman ng kalye.
Nawala ang tunog ng mga bolang tumatambol at pati na rin sigawan ng mga batang nagsasaya sa palaruan.
Ang pagsayaw ng mga banderitas ang nagpapakalma sa kapaligiran.
Ang makikipot na lansangan ang tawiran ng mga itim na paro-paro sa kanyang malawak na himlayan.
Sabay ng pagkintab ng liwanag ng buwan ang paglago ng aking bagong dahon. 






First published as a requirement in Malikhaing Pagsulat 10, 2nd Semester, 2009-2010.

No comments:

Post a Comment