Thursday, May 13, 2010

IBIG KONG MAKITA

Ibig kong makita ang isang paraiso sa lupa
Na dito sa sariling bansa natin makikita;

Ibig kong makita ang mga punong kahoy na hindi dumarapa
Sa ano mang laban babangon at babangon siya;


Ibig kong makita ang mga bulaklak na magaganda
Nagbibigay kulay sa dampa ng madla;


Ibig kong makita ang mga ibon na lumilipad nang malaya
Hindi nagpapatinag sa lakas ng himbalos ng hanging kinahaharap niya;

Ibig kong makita ang malinis na ilog sa tabi ng kalsada
Na hindi tinatapunan ng ano pa mang uri ng basura;


Ibig kong makita ang mga Iskolar na laging bukas ang ideya
Sa mga alternatibo at pag-aaral na kakaiba;


Ibig kong makita ang mga taong may disiplina
Saan mo man iwanan ay nakasisigurado ka;


Ibig kong makita ang isang malayang pamamahayag para sa masa
Walang halong pansariling interes o ano pa mang agenda


Ibig kong makita ang isang malinis na pamamahala
Walang bahid ng ano mang katiwalian sa kanilang pag-gawa;

Ibig kong makita ang ating bansa na mapayapa
Walang ng sigalotan at giyera saan mang panig ng mga isla.


First published as a requirement in Malikhaing Pagsulat 10, 2nd Semester, 2009-2010.

No comments:

Post a Comment