Thursday, May 13, 2010

First document entry in my laptop

Written on June 24, 2009 for BC 102.


Nasa 2nd stage na ‘di umano ang pagpapatayo ng bagong transmitter tower ng DZUP, iyan ay ayon kay G. Jerry Rosario, technician sa Kolehiyo ng Pangmadlang Komunikasyon sa Unibersidad ng Pilipinas- Diliman.

Ayon kay G. Rosario ang tore na ipapatayo ay nakumpleto na rin at ibabyahe na lamang mula sa lungsod ng Cebu. Idinagdag din niya na ikokunsulta muna sa Broadcasting World Philippines Systems Incorporated- ang kontraktor ng proyekto, kung hanggang saan ang abot ang brodkast ng DZUP.

Ang nasabing proyekto ay nagsimula noong ika- 27 (dalawampu’t pito) ng Mayo at inaasahang makumpleto bago matapos ang buwan ng Agosto sa taong ito.  Ipinapatayo ang proyekto sa lansangan ng Delos Reyes sa loob ng UP Diliman campus.

          Sinimulan na rin noong Sabado ang pagpapaputol sa mga puno sa lugar ng proyekto at ito ay nasa pangangalaga ng Campus Maintenance Office. #

No comments:

Post a Comment