Wednesday, November 24, 2010

STRIKE SA UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

HINDI KA MAKIKISAMA SA STRIKE SA U.P. BUKAS? 
Ganito kasi ang maaring implikasyon kapag napatupad ang budget cut. Syempre, kinakailangan ng UP ng pondo para sa pagpapatakbo ng pamantasan, kung ang pamahalaan ay hindi na makapagbibigay ng sapat na pondo para sa edukasyon, ipapasa nila ang pasakit sa atin na mga estudyante. Ang mga Bracket A at B na dating isang libo hanggang isang libo't limang daan kada yunit ay magiging LIMANG LIBO KADA YUNIT NA. Isipin mo na lamang kung ilan pa kayang mga estudyante ang makakapagaral sa 'Pambansang Pamantasan' ng Pilipinas- ang U.P. Baka magilan-ngilan na lamang.

No comments:

Post a Comment