Tuesday, January 4, 2011

Christmas Poem by my Aunt Emy

Pasko Na!

Malamig na simoy ng mabangong hangin
Na tanging sa pisngi ng langit nanggaling,
...Ang inihahatid
Sa bukas na dibdib
Ng sangkalupaang dagi sa hilahil
At sala sa lalong tapat na dalangin. . .

Sa likod ng bundok ay namamanaag
Ang kaakit-akit na isang liwanag;
Ang ibinabadha
Ay malaking tuwa
Na di mag siyang malalasap
Ng lahat ng taong may mabuting hangad.

At ang ating puso ay muling hahagkan
Ng madlang ligayang di mapapantayan-
Ang diwa ng Pasko
Ang pista ng mundo-
Ang araw na siyang sa ati'y nagbigay
Ng buhay sa puspos ng madlang kariktan.



________________
From the first time I read this, I liked it already.
I just read it in my mom's wall posted by my aunt Emy.
I am so proud of her, she knows how to write poems in four languages- English, Filipino, Pangasinan, and German, and I don't know if she still knows other languages aside from these.
She's just amazing. She is in the country now, I was not able to see her last week due to her busy schedule.

No comments:

Post a Comment