Saturday, July 29, 2017

Pagsaludo sa mga Bagong Abogado

SALUDO SA MGA BAGONG ABOGADO*
By Aldrin Soriano


Apat na taong pagdadalubhasa
Ng sari-saring mga batas ng ating bansa
Mula substantial law hanggang procedural
Para sa titulo at karangalan hiniling nang matagal


Hindi maitatanging kayo’y iniidolo namin
Hidden treasures o anumang bansag
Hindi ito naging palasak
Pagkat sa panalangin ninyong sandamakmak


Sinong makakalimot sa unang tawag sa recitation,
Sa unang iyak,
Unang case digest,
At sa gabi-gabing pagpupuyat
Lahat nito’y sulit na sulit, kalakip nito’y tagumpay na di maipagpapalit


Tatlong taon
Kami rin ang sasalang
Legasiya ninyo hindi namin bibitawan


Mga pagsubok na inyong pinagdaanan,
Kukrus din sa amin ang mga iyan,
Kaya taas noo kaming sumasaludo,

Sa inyong mga bagong abogado

No comments:

Post a Comment