Maganda ang punto mo Jervis sa pagsabing kinakailangan na nga ng mga bagong teorya na akma sa ating pag-aaral ng midya. Subalit, kinakailangan ding isaalang-alang na halos lahat sa mga guro ng ating kolehiyo, partikular na ang ating departamento, ay hindi pa handa sa mga makabagong teoryang pang-midya o siguro ay mas akmang sabihing hindi nagpapakadalubhasa sa mga teoryang ito, at si Propesor Canlas pa lamang ang wawasak sa lumang paradigm ng mga pananaliksik kung sa pag-gamit ng mga makabagong teorya ang iisipin.
Nais ko lang ding ibahagi ang nasabi ni Sir Choy sa aming klase na baka raw ay magkaroon ng kolaborasyon ang departamento ng brodkasting at ang departamento ng aralin sa sining upang mas mapalawak pa raw ang mga teoryang maaring magamit ng mga mag-aaral.
Sana lang magpatuloy pa ang mga kurso kagaya ng Komunikasyon 150 upang mas mabigyan ng malawk na perspektibo ang mga mag-aaral sa mga teoryang maari nilang magamit para sa kanilang tisis ngayong undergraduate at maging sa mga postgraduate nila.
Binabati ko si Propesor Canlas sa maayos at matibay na pundasyon ng mga teoryang kaniyang inilatag sa ating klase. Nagpapasalamat ako sa kanya at maging sa inyong mga kapwa ko mag-aaral dahil aaminin ko, boring mang basahin ang mga paksa ay naging makabuluhan ang pagkakatuto ko dahil na rin sa ating interaksyon sa loob at maging sa labas ng klase. Mabuhay tayo!
PARA pumunta sa orihinal na blogspot, i-click ITO.
No comments:
Post a Comment