Check this link and be amaze by this innovative product!
Showing posts with label Filipino. Show all posts
Showing posts with label Filipino. Show all posts
Tuesday, September 27, 2011
Wednesday, March 2, 2011
Orgasm of a dream
Marahil marami tayong pangarap sa buhay. Ang ilan ay gusto sigurong mangibang-bayan upang doon suungin ang mga hamon ng buhay, samatala ang iba ay nanaising manatili sa bayang tinubuan para dito ipagpatuloy ang laban ng buhay.
Nais kong maging matagumpay at dalubhasang Filipino sa maraming larangan. Alam kong hindi pa ganoon kalinaw kung saang direksyon ako magpapatuloy matapos ang kolehiyo. Kung magbukas man ang opurtunidad na makapag-aral muli, akin iyong tatanggapin. Samatalang kung iba man ang plano para sa akin ng tadhana, akin din iyong kukunin ng buong-buo. Dahil sa kaguluhan ng pag-iisip ko kung ano nga ba talaga ang ninanais ko pagkatapos grumadweyt, marami na rin akong naisakripisyong mga sana'y opurtunidad na noon ay hindi ko man lang nabigyan ng halaga. Mga taong nagmahal, nagpapamahal, at minahal. Mga bagay na inangkin, ibinigay, at itinabi.
Alam kong walang patutunguhan ang blog entry na ito. Nais ko lamang magpahayag ng mga bagay-bagay na nasa aking isipan matapos makapag-basa ng mga teoryang talaga namang tumagos sa aking pagkatao. Ito'y mga teoryang may kinalaman sa nais kong marating isang taon mula ngayon. Ngunit, kinakailangan ko nga bang magpa-apekto?
Kagabi bago matulog, ako ay napadala ng mga mensahe sa mga iilang mga tao sa aking contect list sa cellphone ko. Ang laman ng text ko ay:
Tapos biglang nag-reply si Ate Carmela, ang aking kaklase at kaibigan na nagdadadalubhasa sa teorya ni Michel Foucalt na gagamitin niya sa proposal niya pang-tisis.
Marahil, makitid pa rin ang aking perspektibo at pananaw sa mundong aking ginagalawan. O siguro ay naka-kahon na rin ako sa mga teoryang inakala kong magpapalaya sa akin? Hanggang dito na lang siguro ako sa ngayon. Haharapapin pa ang mga hamon ng pagiging iskolar.
Sandali. Matanong kita. Anong pangarap mo?
Nais kong maging matagumpay at dalubhasang Filipino sa maraming larangan. Alam kong hindi pa ganoon kalinaw kung saang direksyon ako magpapatuloy matapos ang kolehiyo. Kung magbukas man ang opurtunidad na makapag-aral muli, akin iyong tatanggapin. Samatalang kung iba man ang plano para sa akin ng tadhana, akin din iyong kukunin ng buong-buo. Dahil sa kaguluhan ng pag-iisip ko kung ano nga ba talaga ang ninanais ko pagkatapos grumadweyt, marami na rin akong naisakripisyong mga sana'y opurtunidad na noon ay hindi ko man lang nabigyan ng halaga. Mga taong nagmahal, nagpapamahal, at minahal. Mga bagay na inangkin, ibinigay, at itinabi.
Alam kong walang patutunguhan ang blog entry na ito. Nais ko lamang magpahayag ng mga bagay-bagay na nasa aking isipan matapos makapag-basa ng mga teoryang talaga namang tumagos sa aking pagkatao. Ito'y mga teoryang may kinalaman sa nais kong marating isang taon mula ngayon. Ngunit, kinakailangan ko nga bang magpa-apekto?
Kagabi bago matulog, ako ay napadala ng mga mensahe sa mga iilang mga tao sa aking contect list sa cellphone ko. Ang laman ng text ko ay:
Pangarap kong maging isang magaling at dalubhasang Filipino. Tara, matulog na tayo at magising sa bukas na maaliwalas.
Tapos biglang nag-reply si Ate Carmela, ang aking kaklase at kaibigan na nagdadadalubhasa sa teorya ni Michel Foucalt na gagamitin niya sa proposal niya pang-tisis.
Hindi ko na makakamtan ang pangarap na iyan sapagkat nag-iisip at nagsusuri ako sa Ingles. Naka-kahon na ako sa Ingles. Filipino will always sound beautiful. Hanggang pakikinig na lang ako.Bigla akong natahimik pagkabasa ang kanyang mensahe. Hindi ko na kakayanin pang patayin ang init at nagbabagang pangarap na mayroon ako, malabo man yan o malinaw. Hindi ko lubos maisip na ang isang kaibigang magaling mag-isip ay tila naging isang saging sa champorado.
Marahil, makitid pa rin ang aking perspektibo at pananaw sa mundong aking ginagalawan. O siguro ay naka-kahon na rin ako sa mga teoryang inakala kong magpapalaya sa akin? Hanggang dito na lang siguro ako sa ngayon. Haharapapin pa ang mga hamon ng pagiging iskolar.
Sandali. Matanong kita. Anong pangarap mo?
Wednesday, December 1, 2010
Mga Katanungan
Hindi na ako umaasa na matanggap pa, ngunit ako ay nananalanging maging bahagi ng mga iskolar na maipadadala ng Pilipinas upang makapag-aral sa Estados Unidos. Kung may sapat lamang na pondo ang gobyerno na nakalaan para sa dekalidad na edukasyon dito sa Pilipinas, hindi ko na nanaising makasagap pa ng state-side na kalidad ng edukasyon. Dito na lamang siguro ako aasa, na sana hindi na bawasan pa ang badyet ng mga State Universities and Colleges dito sa ating bansa lalo na sa aking pamantasan, ang UP.
Bakit Aldrin, hindi ka naman dating ganyan,ah.
Go na go ka lagi di ba?
Go na go ka lagi di ba?
Bakit Aldrin?
Hindi ko maiwasang sisihin ang aking sarili kung bakit ganoon na lamang ang kinalabasan ng aking panayam sa mga miyembro ng panel. Napakasaklap na balikan ang aking mga pagkakamali. Pagdating ko pa lamang ay mali na. Ayon sa aking confirmation call, alas-kwatro ng hapon ang aking intervyu ngunit pagdating na pagdating ko roon ay ako na agad ang isinalang. 3:15 daw ang aking iskedyul. Mabuti na lamang at ako ay mas maagang dumating sa kaing orihinal na iskedyul, ngunit sadyang huli pa rin para sa aking "bagong iskedyul." Dagdag pang puna sa akin ng ginang na tumawag sa akin, "You just came in?" Dahil dito, ipinukol ko sa panelistang nagsabi na ako na ang sasalang, na ang naka-iskedyul sa akin base sa tawag na aking natanggap noong nakaraang linggo ay alas-kwatro pa. Ngunit, nagbago ang impresyon ng kanyang mukha at marahil ay nairita sa aking sagot. Bawas na punto na naman yun. Dapat pala ay hindi na ako umangal.
Bakit ni simple at pundamental na katanungan
ay hindi mo pa nasagot?
ay hindi mo pa nasagot?
Katangahan lamang ba iyan Aldrin o sadyang
walang kabuluhang
walang kabuluhang
pagbabasa ang iyong ginawa?
Bakit Aldrin?
Sana naayos ko nang mabuti ang aking mga sagot. Sana nakapagsaliksik ako ng mabuti tungkol sa Global UGRAD at hindi ko na lamang sana ipinukol ang aking atensyon sa Fulbright. Unang katanungan ng ginang na nasa gitna ng mga panelists ay kung ano raw ba ang aking nalalaman tungkol sa Global UGRAD. Ang aking sagot ay tungkol sa Fulbright Scholarship at hindi sa Global UGRAD. Akin pang ipinagmalaki ang mga bagay na aking nahagilap hinggil sa Fulbright. Ngunit, maling impormasyon na pala ang aking isinagot. Ang sabi ng ginang na nagtanong, "You might want to search again on Global UGRAD. It is not a Fulbright program." Ako na lamang ay nagpasalamt upang itago ang aking hiya sa katangahang namutawi sa aking personalidad at pagmumukha.
Bakit mo pa pinipilit magpakasaya Aldrin?
Walang-wala ka na.
Walang-wala ka na.
Bakit Aldrin?
Hindi ako nawalan ng pag-asa noong ako ay nasa loob pa lamang ng silid kung saan idinaos ang aking pakikipanayam sa tatlong mga panelista. Tuluyan pa rin ang aking pagbibigay ng mga kasagutang alam kong magpapako sa aking pangarap na makapag-aral sa ibang bansa kung saan makakakuha ako ng mas malawak na kaalaman sa kursong nais kong pagdalubhasaan. Sadyang naging napakasaklap ang araw na ito para sa akin at laging naiisip na walang-wala na ako lalo na ngayon at masyado akong dumikit sa pangarap kong maging iskolar sa dayuhang lupain, ngunit nagpapasalamat pa rin ako sa Poong Maykapal sa mga biyayang Kanyang ibinigay sa aming pamilya- gumaling na ang aking ina at nakapasok naman na sa Mason ang aking ama. Sapat na yun para sa akin. Sapat na ang kanilang pagmamahal at suporta sa akin.
Bakit hanggang porma ka lang Aldrin, pero kung
isasalang ka na, wala ka rin palang ibubuga.
Bakit Aldrin?
isasalang ka na, wala ka rin palang ibubuga.
Bakit Aldrin?
Masyado lang ako sigurong mapangarap at ninanais ko pang makapag-aral sa ibang lupain. masyado siguro akong naging kampante sa aking taglay na galing na sa huli ay nagiging bula. Masyado lang siguro akong nag-aksaya ng oras kakaayos sa aking sarili, sa paghahanda ng aking damit at maging sa iba pang abubot. May mga pagkakataong ako na mismo ang kumokwestyun sa aking kakayahan. Ngunit, bakit nga ba sadyang napakahirap tanggapin ang pagkatalo. Siguro dahil nasanay akong makuha ang lahat ng aking kagustuhan noong bata pa ako, o di naman kaya ay hinulma na ng lipunan ang aking pag-iisip ukol sa mga bagay-bagay na nais at kagustuhan ko.
SIGURO ay wala na talaga akong pagkakataon pang matanggap sa scholarship na halos dalawang buwan ko ring pinaghirapan upang makapag-aral sa Estados Unidos, ngunit mas marami pang biyaya ang aking matatanggap kung ako ay mamalagi dito sa Pilipinas upang dito mas makapagdalubhasa at makapagbahagi pa ng aking kaalaman para sa mga kapwa ko Pilipino.
Wednesday, August 11, 2010
[Fiction] Pag-iibigang 'Sinlalim ng Dagat
Isang estudyante sa ekslusibong kolehiyo si Dino Guevarra at nasa ika-apat na taon na ito sa kanyang kursong Business Management. Sa kanyang tangkad na 6’2 ay hindi mo aakalaing siya ay 21 taong gulang na. ‘Tall, dark and handsome,’ ika nga at hindi maikakailang habulin siya ng mga babae. Ang kanyang girlfriend na si Leila Araneta ay modelo ng isang kilalang clothing line sa bansa at kamag-aral ni Dino. Siya ang kasalukuyang Miss University ng kanilang pamantasan. Mag-dadalawang taon na ring nag-iibigan ang magkapareha. Pag-iibigang nabuo sa isang field trip sa kanilang klase.
Isang lingo bago ang kanilang ikalawang anibersaryo ay nagpaalam si Dino kay Leila na pinapapunta siya ng kanyang ama sa isla upang mag-manage muna nito. Noong una ay hindi pumayag si Leila ngunit sino nga ba naman daw siya upang kontrahin ang utos ng ama ni Dino. “Since ako naman daw ang magmamana ng isla, mabuting ako na lang raw muna ang mag-manage noon. Lei, I can’t go against my father’s will, you know his condition.” Mangiyak-ngiyak si Leila habang sinasabi ang, “I know babe, but how can we celebrate our 2nd anniversary if you’re not here? Hahayaan mo na lamang ba akong mag-isa dito?” Winakasan na lamang ng dalawa ang usapan sa condo unit ni Leila.
Huli na sa kanyang flight si Dino dala ng traffic sa labasan ng condo ni Leila kung saan umaga pa lamang ay siksikan na ang mga kotseng nagsisilabasan mula sa establishimento. Sinamantala nitong umalis nang tulog pa si Leila baka ipilit nitong sumama o kaya ay pilitin na lamang na huwag lumiban si Dino papuntang Palawan.
Noong una ay nagugulumihanan si Dino kung kanya nga bang iiwan si Leila lalo na sa kanilang ikalawang taong anibersaryo. Para sa dalawang nag-iibigan, ang kanilang ikalawang anibersaryo ay mistulang hudyat ng kanilang planong pagpapakasal kaya naman gustong-gusto ni Leila na hingiin na ni Dino ang kanyang kamay upang mapamana na rin sa kaniya ang engagement ring na mula pa lola sa tuhod nito. Ginawa rin naman lahat ni Leila ang lahat para mapilit si Dino upang huwag umalis, ngunit sa huli ay mas pinili ni Dino ang bilin ng kanyang ama.
‘Pag dating ni Dino sa isla ay laking mangha nito dahil sa laki ng pinagbago matapos ang ilang taong hindi pagpasyal sa lugar. Ipinatawag niya agad ang mga empleyado at kanila itong pinagalitan at sinabing pinabayaan nila ang isla ng kanyang ama.
Pinili na lamang ni Dino iwanan ang mga tauhan at baka mas mandilim ang paningin nito sa kanila. Naglakad-lakad na muna siya sa tabing-dagat at lumanghap ng sariwang hangin habang inaalala si Leila at ang kanilang mga masasayang alaala. Nang may nakita itong isang bangka ay agad niya itong ginamit upang makapunta sa kabilang isla.
Mag-aalas dose na iyon at hindi alam ni Dino na tuwing alas-dose ay may mga lamang-dagat na pumupunta sa ibabaw ng dagat at ito ay ang mga Armoles, isang uri ng posit-tao na sumisira sa mga coral reefs na tahanan naman ng mga isda. Sila rin ay isa sa mga dahilan kung bakit unti-unting nasisisra ang ganda ng isla nila Dino. Natakot si Dino ng may bola siyang nakita sa harapan ng kanyang bangka at unti-unti siyang umaangat mula sa dagat, hindi niya alam na siya ay inaatake na ng isang Armoles. Hindi kinaya ng bangka ang bagsik ng Armoles kaya tumilapon si Dino ng ilang metro mula sa Armoles at nakita ito ni Shina, isang serena sa lahi ni Amangpaparu ang mga tagapag-ligtas ng karagatan.
Nagising na lamang si Dino na walang naalala sa nangyari sa kanya nang atakihin ito ng isang Armoles. Una niyang nakita ang mga mapula-pulang buntot ni Shina na isang prinsesa sa kaharian ng mg Amangpaparu. Hindi mawari ni Dino kung ano ang kanyang nararamdaman, takot o pag-hanga kasabay ng mga tanong gumugulo sa kanyang isipan habang pinagmamasdan si Shina mula ulo hanggang buntot. “Huwag kang matakot, iniligtas kita kagabi sa mga Armoles na balak kang tugisin,” sabi ni Shina sa boses na mala-anghel.
Matapos ang halos isang linggong pamamalagi ni Dino sa kaharian ng mga serenang Amangpaparu, tila hindi na niya maiwan si Shina na nakilala niyang mabuti at makapalagayan na rin ng loob. Ngunit inutusan si Shina nang kanyang amang si Haring Keron uapang ihatid na sa lupa si Dino dahil baka hinahanap na siya sa kanilang isla.
Bago tuluyang bumalik sa isla si Dino ay kanyang ipinagtapat kay Shina ang tunay na nararamdaman nito para sa serena. “Hindi ako ganito noon Shina, ibang-iba ang nararamdaman kong pag-ibig para sa’yo. Mahal na kita,” ang pagatatapat ni Dino. Ipinagtapat din ni Shina na noong una pa almang niya itong nakita noong bata pa si Dino ay inibig na niya ito at palaging inaabangan ang kanyang pagbabalik. Sinabi rin nito na kaya siya nailigtas mula sa mga Armoles ay dahil sa kanya itong binabantayan mula palang noong pagdating nitong muli sa isla. Nagpasalamat si Dino kay Shina at sinabing walang makakapaghadlang sa kanilang pag-iibigan at tatanggapin na lamang nila ang mga sasabihin ng ibang makakaalam ng kanilang ‘lihim’ na relasyon.
Agad sumugod sa isla si Leila nang may nakapagsabi dito na may iba nang iniibig si Dino. Tila nakisabak sa isang kompetisyon si Leila at muli niyang inaakit ang puso ni Dino ngunit humingi na lamang ng tawad si Dino dahil iba na nga talaga ang laman ng kanyang puso at ‘yon ay si Shina. Nagtanong-tanong si Leila sa mga empleyado ng isla kung sino nga ba si Shina at sinabi naman ng mga empleyado na isa itong serena. Sinabi rin ni Dino kay Leila na palayain na niya ito. Idinagdag din ni Dino na pupwede naman silang maging magkaibigan na lamang. “Dino, alam mong hindi agad-agarang mawawala ang nararamdamn ko para sa’yo. Paano ako makakapag-move on sa ginawa mo? Mahal na mahal kita Dino.” Agad naman itong sinagot ni Dino, “Leila, alam kong masakit ang nararamdaman mo and I am so sorry. Huwag kang mag-alala, magkaibigan pa rin naman tayo. ‘Ang paglayo ay hindi nangangahulugan ng pagtalikod’ at andito lamang ako para sa iyo Leila, as a friend. Mahal ko si Shina, iba ang pagmamahal na nararamdaman ko para sa kanya.”
Mabigat sa loob na nilisan ni Leila ang isla, sa mismong araw ng sana ay kanilang ikalawang taong anibersaryo bilang magkasintahan. Ang araw na iyon din ay ang araw ng pagsasama ng tuluyan nila Dino at Shina sa pamamagitan ng isang seremonyang magpapalit sa katauhan ni Dino mula sa pagiging tao para sa pagiging isang ganap na taong dagat, isang tsokoy. Lahat ng kanyang ala-ala nang kanyang buhay-tao ay nabura at tanging ang buhay ng pagiging tsokoy at ang kanyang pakikipaglaban sa mga Armoles ang tanging alaalang nasa laman ng kanyang memorya. Si Dino ay naging bayani nang matalo niya ang lahi ng mga Armoles at itinanghal bilang hari ng Amangpaparu at si Shina ang kanyang reyna.
First published as a class requirement
in MPs10 of Prof. Luna Cleto
2nd Semster, 2009-2010 UP Diliman
Subscribe to:
Posts (Atom)