Barangay at SK polls sa Oktubre gustong ilipat sa 2012
Ni Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) Updated July 10, 2010 12:00 AM
MANILA, Philippines - Nais ng isang senador na ipagpaliban ang barangay at Sangguniang Kabataan elections na nakatakdang gawin sa darating na Oktubre at ilipat ito sa Oktubre 2012.
Sa Senate Bill No. 60 na inihain ni Senator Juan Miguel Zubiri, nais nitong palawigin at gawing limang taon ang termino ng mga kasalukuyang opisyal ng barangay at SK upang maipagpatuloy ng mga ito ang nasimulang proyekto.
Naniniwala si Zubiri na masyadong maikli ang kasalukuyang tatlong taon na inilaan para sa mga opisyal ng barangay kaya posibleng maputol ang kanilang mga sinimulang proyekto.
Kung madadagdagan aniya ng dalawang taon ang kasalukuyang tatlong taon na term of office ng mga SK at opisyal ng barangay ay mababawasan rin ang gastos ng gobyerno para sa gagawing halalan.
Aabot sa P13.5 bilyon ang ginastos ng gobyerno sa nakaraang May 2010 nationwide Automated Elections samantalang aabot naman sa P3.5 bilyon ang magagas tos sa Barangay at SK polls.
Naniniwala si Zubiri na non-partisan naman ang mga opisyal ng barangay kaya walang dahilan upang magdaos muli ng eleksiyon sa kasalukuyang taon kung saan ginawa ang national at local posts.
_____________________________
THE above news was given by my auntie Merna through a Facebook message. Here is my response to her.
I do not confirm to such Bill. the reason "upang maipagpatuloy ng mga ito ang nasimulang proyekto" is out of the context.
Ambabaw ng rason, making no sense at all. If these officials were really of the service to their constituents, they should have planned the span of their projects beforehand.
Maybe, just an assumption, Miguel Zubiri wanted to pay back the support of his city-mates who have supported him in his mayoralty race here in Quezon City. That is why he has proposed this stupid and useless bill. I am sorry for my words, Auntie Merna, but I strong oppose such bill proposal.
The House of the Senate should not pay attention to such bill which has insignificant agenda.
No comments:
Post a Comment