Thursday, May 13, 2010

Kamuntik na

            Maglilimang taon siguro ako noon nang una kong mapuntahan ang lugar na iyon. Medyo malubak-lubak ang daan na aming dinaanan upang matungo ang lugar. Maraming puno dito at iba-iba pa ang uri, may mangga, niyog, at pati na rin ang Narra. Sabi ng aking ina magtabi-tabi raw ako at baka ako ay ma-engkanto sa kadahilanang bago pa raw ako doon. Sinunuod ko naman ang aking ina sa kanyang mga payo at utos. Muli kaming naglakad upang mapuntahan pa ang itaas na parte ng bundok na sinasabi nilang banal.

                Dala ng aking murang isipan, ang inakala ko na doon ay isang lugar na puno na mahika, ngunit mali pala ako. Dahil inabot na kami ng dapithapon kaya sabi ko mawawalan na ng bisa ang anumang kapangyarihan ng mga mahikero nang mga panahong iyon.

                Nagpaalam ako saglit sa aking mga magulang upang maghanap ng mga kalaro sa bagong lugar na aking napuntahan. Ako lamang ang bata sa grupo naming nag-hiking doon sa lugar kaya siguro naintindihan na ako ng aking mga magulang na ako ay maglaro sa buhanginan sa ilalim ng punong Narra na tabi ng talon.

                Habang ako ay nagsasaya sa kakalaro, may isang bata akong nakita sa likod ng puno at tinatawag niya ang aking pangalan. Para kaming naglalaro ng taguan dahil nang puntahan ko siya sa likod ng Narra, wala na siya doon at nang lumingon ako sa aking pinanggalingan, naroon na siya agad. Ako ay namangha sa bilis niyang tumakbo. Nagpakilala siya ng akin siyang lapitan. Ang pangalan niya ay Carol at siya ay limang taong gulang din. Mas matangkad ako sa kanya ng ilang pulgada pero mas maputi siya kaysa sa akin. Naghabulan kami ng naghabulan hanggang sa napansin kong tila nag-iba na ang aming lugar at malayo na kami sa taon, at ang puno ng Narra ay hindi ko na masilayan pa.

                Kinabahan ako pero pinawi ni Carol ang aking nararamdaman sa pamamagitan ng pagpapakita ng ilang mahika, mga ‘magic’ trick. Natuwa ako sa mga ipinakita niya, tulad ng pagbulaklak ng isang halaman kahit na hawak-hawak lamang niya ito, ang paglakad niya sa ibabaw ng isang batis nang hindi nahuhulog sa tubig; at ang pinakahinangaan ko ay ang kanyang pagpapalit anyo mula sa anyo ng isang bata sa isang matangkad at napakagandang dalaga. Wala akong magawa kung hindi mabighani sa mga ginawa ni Carol. Unti-unti siyang lumapit sa akin at tinanong ako kung gusto ko pa raw makakita ng marami pang mahika ngunit hindi ako agad nakasagot.

                Gusto pang makakita ng mga mahika ng aking mga mata ngunit nagugutom na ang aking sikmura. Sinabi ko kay Carol na bumalik na kami sa puno ng Narra kung saan malapit ang grupo ng aking mga magulang. Agad nag-iba ang mukha ni Carol at parang nagagalit na siya sa akin. Hindi ko raw siya maiiwan ng basta-basta. Hindi ko alam ang aking gagawin baka gamitan niya ako ng kanyang magic at gawin niya akong palaka, kaya tumakbo ako papalayo sa kanya. Sumigaw ako upang marinig ng aking mga magulang at kanilang mga kasamahan ngunit wala pa rin akong naririnig na boses nila, tanging tawa lamang ni Carol ang naglalaro sa aking tenga. Nang silipin ko si Carol ay hitsurang matanda na siya na may kulay puting mga buhok. Takot na takot akong humarurot sa kakatakbo, hayan na si Carol! Hindi ko na alam ang aking gagawin. Gusto niya akong kainin.

                Agad akong nasiyahan ng unti-unti kong narinig ang boses ng aking mga magulang. Makakatakas na ako mula sa panghahabol ni Carol at ang kanyang nakakatakot na tawa. Makakaligtas na nga ba ako?

                May tumapik sa aking likuran, akala ko ay si Carol na kaya ako ay napasigaw. Iyon pala ay ang aking ama na ginigising ako. Sabi niya kanina pa raw ako sigaw ng sigaw ng abutan niya akong natutulog sa ilalim ng puno ng Narra. Hinggal nna hinggal ako at mahigpit ang aking pagkakayakap sa aking ama.  Naku, akala ko ay tuluyan na akong makakain ng isang nag-hawig bata na si Carol. Akala ko totoo lahat ng aking mga nakitang mahika, hindi pala.

                Malaki na rin ang aking pagpapasalamat sa Diyos at iyon ay bangungot lamang at hindi totoo. Hindi pa rin ako mapalagay sa aking masamang panaginip na mistulang totoong-totoo. Nang aking silipin ang likod ng aming sasakyang umaandar upang magpaalam sa lugar, ako ay nabigla nang aking makita ang isang batang babae na maputi at kasingtangkad ko na nakangiti sa akin.


                Mas gumulo ang aking isipan. Si Carol nga ba iyon? Bangunot nga lang ba ang aking naranasan kanina? Totoo ba si Carol? Marami pa ring mga katanungan ang gumulo sa aking isipan. At akin na lamang hiniling na hindi na ako muling makadalaw sa lugar na iyon. #




First published as a requirement in Malikhaing Pagsulat 10, 2nd Semester, 2009-2010.

Pagmulat

Marami ang nagsasabing sa panahon ngayon, mangilan-ngilan na lamang ang mga bata at mga kabataang nahihilig bumasa ng mga librong may kapupulutan ng aral. Pero, isa ako sa mga kabataang sumasalungat dito. Kung totoo man ang pahayag ng nauna, bakit sumikat ang ilan sa mga Filipinong manunulat ngayon na kagaya nila Bob Ong at Ricky Lee? Kailangan bang upang matuto ay ang mga librong pang-akamenya lamang ang basahin? Hindi. Dahil sa mga ganitong kontemporaryong libro mas maraming natututunan ang mga kabataan lalo na sa mga isyung pumapalibot sa kanilang bansa.

Sabi ni Inay mahilig raw akong magbasa at magsulat noong bata pa ako. Natatandaan pa nga niya na magdadalawa at kalahating taon daw ako noon nang agawin ko ang lapis ng aking nakatatandang kapatid at nagsulat-sulat raw ako ng mga linya sa aming sementadong papag. Mag-aapat na taon naman daw ako noong sinimulan kong magbutingting ng mga gamit na noon ay inakala kong laruan ay iyon pala mga libro.

Ako ay napapangiti na lamang sa tuwing ikinukwento ng aking mga magulang ang mga alaalang sa pagkabata ko nabuo. Ngayon lang pumapasok sa akin na ang pagbasa ng mga librong may makukulay na imahe, at lalo na ang pagsusulat ng mga bagay-bagay na nasa isipan ko, ay likas na sa akin.

Lumipas ang panahon at ang batang noon ay nahilig makialam ng mga gamit panulat at pagbasa ay lumaki na at nahilig naman sa mga babasahing nauukol sa mga kabataang mambabasa. Nakilala at nahikayat ako sa mga manunulat na sina Bob Ong, Ricky Lee at si Liwayway Arceo. Sa mga libro ni Bob Ong ko nakikita ang aking sarili na kengkoy at palatawa ngunit kapag seryosohan na ang usapan ay nagiging malalim na rin. Sa mga libro ni Ricky Lee at ni Liwayway Arceo ko naramdaman ang drama at tindi ng damdamin, na kagaya kong nagiging madrama rin sa iba’t ibang sitwasyon sa aking buhay.

Ang mga librong binabasa nga ay talagang repliksyon ng mambabasa. Kagaya ko. Kagaya ng mga librong binabasa ko. Kasing kulit ako ng mga imahinasyon ni Bob Ong, kasing drama ako paminsan-minsan ng mga nobela ni Arceo at kasing lawig ng mga isyung panlipunan ang napapansin ko kagaya ni Ricky Lee.

Siguro, isa sa mga dahilan kung bakit ko rin nagustuhan ang kanilang mga libro ay dahil sa kanilang kakaibang ideya at istilo ng panunulat. Ako ay nahihikayat na sumubok din ng kakaibang pamamaraan ng pagsusulat dahil sa mga ito. Mabuti na lamang at nakapasok ako sa klaseng Malikhaing Pagsulat 10 at ngayon ay alam kong mas matututo ako sa iba’t ibang pamamaraan ng pagsulat ng tula at pati na maikling kwento. Mas malilinang ko pa ang ibang dimension ng aking kakayahan sa pagsusulat at mas mapapayaman pa ang mga natutunan mula karanasan sa dyaryo noong elementarya hanggang high school.

Para sa akin, ang pagsusulat ay paraan ng pagpapalaya ng mga ideya na nasa iyong isipan at mga damdaming iyong nararamdaman. Dahil isa ito sa mga napakasayang gawin lalo na kung ikaw ay walang magawa at nayayamot, kagaya na lang din ng pagbabasa na magandang pamatay ng oras. Kaya sa tuwing ako ay walang magawa at hindi pa naman inaantok, ang pagbabasa o hindi kaya ang pagsusulat ng mga kung anu-ano ay ang ilan sa mga gawaing aking pinagkakaabalahan. Mainam na rin ito kaysa sa paggawa at pag-isip ng mga bagay-bagay na makakawasak sa iyong moralidad. Ang aking kakayahan sa pagsulat ay hilaw pa, ngunit alam kong sa pamamagitan ng klase na ito, ay hihinog din ang aking kakayahan sa larangang ito. Sa dahilang gusto ko ring maging tagapagmulat sa mga isipan ng mga mambabasa, kagaya ng aking naranasan at nakamulatan noong ako ay bata pa. Gusto kong maging instrumento para sa pagmulat ng mga kaalaman ng nakararami. #

First published as a requirement in Malikhaing Pagsulat 10, 2nd Semester, 2009-2010.

IBIG KONG MAKITA

Ibig kong makita ang isang paraiso sa lupa
Na dito sa sariling bansa natin makikita;

Ibig kong makita ang mga punong kahoy na hindi dumarapa
Sa ano mang laban babangon at babangon siya;


Ibig kong makita ang mga bulaklak na magaganda
Nagbibigay kulay sa dampa ng madla;


Ibig kong makita ang mga ibon na lumilipad nang malaya
Hindi nagpapatinag sa lakas ng himbalos ng hanging kinahaharap niya;

Ibig kong makita ang malinis na ilog sa tabi ng kalsada
Na hindi tinatapunan ng ano pa mang uri ng basura;


Ibig kong makita ang mga Iskolar na laging bukas ang ideya
Sa mga alternatibo at pag-aaral na kakaiba;


Ibig kong makita ang mga taong may disiplina
Saan mo man iwanan ay nakasisigurado ka;


Ibig kong makita ang isang malayang pamamahayag para sa masa
Walang halong pansariling interes o ano pa mang agenda


Ibig kong makita ang isang malinis na pamamahala
Walang bahid ng ano mang katiwalian sa kanilang pag-gawa;

Ibig kong makita ang ating bansa na mapayapa
Walang ng sigalotan at giyera saan mang panig ng mga isla.


First published as a requirement in Malikhaing Pagsulat 10, 2nd Semester, 2009-2010.

Aray labi ed Pangasinan

ARAY LABI ED PANGASINAN
(Mga Gabi sa Pangasinan)


Bumabalot sa bukiring malawak ang tinig ng kapayapaan
Kaagapay ng mga bituin ang posteng sa kaliwanagan ng munting kubo
Ang mga pumipikit-pikit na Estrellang malaki ang nagbibigay buhay sa malaking bato.
Ang mga nagsusunog ng baga ay ang tanging laman ng kalye.
Nawala ang tunog ng mga bolang tumatambol at pati na rin sigawan ng mga batang nagsasaya sa palaruan.
Ang pagsayaw ng mga banderitas ang nagpapakalma sa kapaligiran.
Ang makikipot na lansangan ang tawiran ng mga itim na paro-paro sa kanyang malawak na himlayan.
Sabay ng pagkintab ng liwanag ng buwan ang paglago ng aking bagong dahon. 






First published as a requirement in Malikhaing Pagsulat 10, 2nd Semester, 2009-2010.

Wednesday, May 12, 2010

First Day

I was really surprised to not find the Navarra on the garage when I was already set to go to ABS-CBN Dagupan for the briefing. I got nervous because I was thinking that I will be totally late for the briefing and what made me more nervous was my that during our first production presentation in my BC 102 class, I was one of the late comers and we weren't allowed to go inside anymore.


So I rushed at Kuya Miko and asked him to drive for me using the single motor vehicle. I was rushing I forgot to appky a wax. We still borrowed two helmets for daddy reminded us to wear so that we won't get reprimanded in Dagupan City. 


So after we got two helmets, (thanks kuya Glenn!) we went off the road and rushed!


Kuya Miko just woke up when I knocked at his door and I am blessed for he is very much willing to drive for me. Thanks Kuya Miko!


 So the security guard welcomed me and I said that I came for the briefing, he told me to log in first and I saw my two co-DJs' names, Lara and Jp. 


I ran towards the radio studio and I was late, yes, for a minute! Thank God!


DJ Macky was on her program and we were briefed every time she is not on air.


She even gave us time to introduce ourselves on air. Errr, we hoped our friends did hear us. LOL


She introduced us to other employees, while we went on a studio tour.


A lot of wonderful people were there! I will surely enjoy my stay there!


My schedule is every Tuesday, Thursday, and Saturday at 11 to 1 P.M. 


We drew lots on the scheduling. We were given a lot of assignments immediately and now I am working on my own playlist. 


We also recorded for our plugs. I was the one who suggested how to do the plug, and I am happy for that. 


The excitement is still with me!


I do hope friends that you can catch and listen to me on 94.3 MOR Dagupan.

Photos for today at MOR Dagupan's Radio Studio

(From left to right) Eli, Lara, Aldrin, JP, DJ Macky, and DJ Kiko

Student DJs JP, Lara, Aldrin and Eli with DJ Macky and DJ Kiko.


With the one who took our photos. Kuya Ralph of the GUK.

GTG

Got to go, by now, since I need to prepare for a briefing this morning. 
I still have some commitments to follow up after months of campaigning. 
I need to bring back my life now.

Short thanks


I wanted to express my sincerest thanks to all the people who have been so supportive all throughout the campaign period and to all the intelligent voters of MANGALDAN. I am so happy because even if I sacrificed my summer class, (which is optional for UP students) it is worth it.