Ang blog ay isang personal na espasyo ng mga nasa isip o iniisip ng isang tao, subalit ito rin ay espasyo upang ikawala ang mga nararamdaman ng nagsusulat. Naniniwala ako na ang mga blog ay espasyo ng pag-alaala sa mga masasaya at ganoon din ng mga malulungkot na pagkakataon kaya ito ay ating isinusulat at ibinabahagi sa ating personal na espasyo- ang ating blog site. Matagal akong hindi nakapag-blog at aaminin kong sa bawat pagkakataong ninanais kong makapagsulat ay siya namang panahong inaatake ako ng aking katamaran.
Sa taong ito, ang blog entry na ito ang siyang unang entry ko sa aking personal na espasyo sa isang alternatibong midya na naka-direkta sa pangmadlang espasyo, ang Web o ang Internet. Masayang malamang sa lawak ng mundong virtual ay mayroon pa ring mga taong nagtitiyagang malaman ang iyong saloobin o naiisip ukol sa ilang isyu sa lipunan, maging ito nga ay pang-lipunang sakop o pang-personal na daing lamang.
Para sa bumabasa nito, mabuhay ka! At para sa may-akda ng entry na ito, nawa'y sikapin mo pang mas mapaunlad ang blog na ito sa simleng pagta-type ng mga saloobin o opinyong nais mong ikawala mula sa iyong isipan o damdamin.
No comments:
Post a Comment