Monday, August 24, 2020

LGU Mangaldan confirms five new COVID-19 positive cases

 The Local Government Unit of Mangaldan Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease confirmed on Sunday that there are five new COVID-19 positive cases in Mangaldan, Pangasinan. 


Wednesday, August 19, 2020

Councilor Aldrin Soriano: IBA-IBANG HAMON AT MGA MAGAGAWA NG KABATAAN SA GITNA NG PANDEMYA*

 IBA-IBANG HAMON AT MGA MAGAGAWA NG KABATAAN SA GITNA NG PANDEMYA*

Sa kabila ng ating mga pinagdaraanan ngayon, magandang araw pa rin po sa ating lahat at sana ay maayos ang inyong kalagayan ngayon.

Maligayang pagdiriwang ng pandaigdigang araw ng kabataan.

Sa tala ng Kagawaran ng Kalusugan kahapon, pumalo na sa abot isandaan at apatnapong libo ang kabuaang kumpirmadong kaso sa Pilipinas…

Dito sa atin sa Pangasinan, ayon sa Pangasinan Provincial Health Office kahapon, mayroon nang naitalang dalawandaan at walumpong kumpirmadong kaso ng COVID, kung saan limampo dito ang aktibong kaso.

Ayon sa ASEAN post kahapon, ang Pilipinas na ang nangunguna sa pinakamaraming kumpirmadong kaso at pinakamaraming aktibong kaso ng COVID-19 sa Timog SIlangang Asya.

Magpipitong buwan na nang ipatupad yung quarantine measures sa bansa.

Marami ang apektado nito- mga buhay at kabuhayan.

Ang ating mga malilit na negosytante na napipilitang magsara dahil sa natamong lugi.

Ang ating mga kaanak na nawawalan ng trabaho.

Ang ating mga kapwa kabataang napipilitang huminto sa pag-aaral dahil sa kawalan ng pambili ng gadget.

Ang ating mga kapwa kabataang biktima ng pang-abuso o rape sa loob mismo ng kanilang tahanan.

Ang ating mga kapwa kabataang napipilitang pumasok sa iligal na trabaho o pagbebenta ng mga malalaswang larawan para lamang maitawid ang gutom.

Ang ating mga magulang na hindi mapanatag sa kasiguraduhan ng kalidad ng edukasyon na makukuha ng mga estudyante ngayong pasukan.

Hindi malayo ang kanilang sitwasyon sa sitwasyon natin. O baka mayroon tayong kakilala na isa sa mga nabanggit kong sitwasyon.

Sa kabila ng mga hamon na ito, marami ang nagpakita ng determinasyon para makatulong sa kanilang kapwa sa gitna ng pandemya.

Malaking porsyento ng mga nagpasimula ng proyektong pantulong sa ating mga kapwa Pilipino ay mga kabataan.

Maraming mga opisyal ng SK ang nanguna sa pagbibigay tulong sa ating mga kapwa kabataan.

Sa ating kinakaharap na hamon sa kalusugan at kabuhayan dulot ng pandemya,huwag nating maliitin ang magagawa ng kabataan.

Ngayong taon, hinihimok ng United Nations ang lahat ng kabataan na maging bahagi, makilahok sa global action. Ayon sa inilabas na pahayag ng UN, nais nito na paganahin o i-enable ang pakikilahok ng mga kabataan sa pormal na mekanismong politikal.

Paliwanag nila, kung mas maraming kabataan sa politika, mas marami ang maiaambag na mga bago at sustainable na mga pulisiya. Sabi pa ng UN, maibabalik daw ng mga kabataan ang tiwala sa pamahalaan at pamamahala ng gobyerno.

Sisimulan natin sa local o community, saka tayo hahantong sa national o pambansa, at panghuli yung global o pandaigdigang aksyon.

Pero marami siguro sa inyo magtatanong kung paano natin magagawa yun. Iyon ang dahilan kung para saan ang webinar na ito, para maihanda tayo.

Kailangan nating maging mas malikhain para magbigay ng serbisyo sa ating bayan.

Gamitin natin ang ating social media sa pagbibigay ng makabuluhan, tama, at napapanahong impormasyon o balita sa ating kapwa kabataan.

Makibahagi tayo sa usapan, nang may respeto sa bawat isa.

Magdasal tayo sa Diyos. Para sa isa’t isa, para sa ating mga frontliners, para sa bayan.

Sa panahon kung kailan nakakawala ng pag-asa dulot ng isang iba-ibang pagsubok at pinakamalking hamon nga dito ay ang COVID-19, nawa ay mapaalab pa natin ang damdamin para mas maglingkod para sa ating kapwa kabataan at para sa ating bayan.

Bago ako magtapos, binabati ko ang mga organizers sa matagumpay na inisyatibo mula sa mga kabataan, para sa mga kabataan, at para sa bayan.


-------
*Bahagi ng talumpati ni Konsehal Aldrin Soriano sa Kalangweran Webinar Series 2020** na ginanap sa pamamagitan ng Zoom, 12 Agosto 2020.




COMELEC: Voter Registration, magsisimula sa September 1, 2020

BASAHIN: PAGPAPAREHISTRO NG MGA BOTANTE, MAGSISIMULA SA SEPTEMBER 1, 2020 AYON SA COMELEC


Kabaleyan, magsisimula na sa September 1, 2020 ang Voter Registration ayon sa pahayag ng Commission on Elections ngayong araw August 15, 2020.

Ipapatupad daw ng nasabing ahensya ang iba-ibang health and safety protocols bilang proteksyon sa mga mamamayang magpaparehistro.

Ayon sa COMELEC, mas mainam na i-download at i-print ng mga magpaparehistro sa kanilang mga bahay ang mga form at sagutan na rin ang mga ito bago magpunta sa opisina ng COMELEC.

Para mabasa ang buong pahayag ng COMELEC, i-click ang link na ito: https://bit.ly/3kPbR2o

PLEASE SHARE.

Para sa iba pang update at iba pang balita sa Mangaldan, Pangasinan manatiling nakatutok sa Councilor Aldrin Soriano Facebook Page.


 

Sunday, July 26, 2020

Iglesia ni Cristo celebrates 106th anniversary




Maligayang pagbati po sa lahat ng kapatid sa Iglesia ni Cristo sa pagdiriwang ng ika-106 na anibersaryo!

Malugod ko pong binabati ang mga kapatid sa Iglesia ni Cristo sa pamumuno ni Kapatid Eduardo Manalo ang tagapamahalang pangkalahatan, sa pagdiriwang ng ika-106 taong anibersaryo ng Iglesia ni Cristo. 

Napakalaki ng kontribusyon ng ating mga kapatid at ng simbahang Iglesia ni Cristo hindi lamang sa ating bansang Pilipinas, kung hindi maging sa buong mundo. Napakaraming mga proyekto at programa ang kanilang inilunsad na nakatulong sa ating mga kapwa sa iba-ibang komunidad kagaya na lamang ng mga medical mission, tree planting, at relief operations. 

Mararamdaman din ang kanilang pagtulong hindi lamang sa kalamidad, kung hindi sa ating kasalukuyang hinaharap na dagok dulot ng COVID-19 pandemic. 

Napakaganda ng kanilang tema na batay sa 1 Pedro 1:13 na, "Ilagak ang pag-asa sa biyayang darating." Napapanahon ito lalo na kung kailan nilumpo tayo ng pandaigdigang pandemyang COVID-19. Sa kabila nito, nariyan ang mensahe na nagpapalakas sa ating pananampalataya. Kaya naman, kaisa ninyo ako at handa po akong umagapay, tumulong, at sumuporta sa ating mga kapatid at sa banal na Iglesia ni Cristo. 

Muli, mainit at masayang pagbati po ng ika-106 taong anibersaryo sa Iglesia ni Cristo!


Lubos pong gumagalang,
Aldrin Soriano
Mangaldan, Pangasinan

Wednesday, July 22, 2020

Iba-ibang benipisyong pangkalusugan ng Kamatis


Mahalaga ang pagkain ng mga gulay at prutas para mapanatili ang ating malusog na pangangatawan. Nagtataglay kasi ang mga ito ng natural na sustansya at bitamina. Isa sa mga sikat na prutas na madalas ay kinikilala bilang isang gulay ay ang kamatis. Madalas kasi itong ihalo sa mga inilulutong gulay.

Ang kamatis ay isang prutas na nagtataglay ng carbohydrates at ilang fiber. Mayam,an din ito sa beta-carotene na nagiging vitamin A kung nakunsumo na ng tao, vitamin C at E, ay ilang B vitamins at vitamin K. Meron din itong calcium at magnesium.


Ayon sa National Health Institutes ng United States Department of Health and Human Services, ang vitamin A ay nagpapalakas ng immune system at ng ating paningin. Ang Vitamin C at E naman ay nagsisilbing mga antioxidant sa katawan na tumutulong maprotektahan ang ating mga cell mula sa pagkasira sanhi ng free radicals. Ang vitamin K naman ay mahalaga sa blood clotting at malusog na buto.

Nagtataglay ng 6% ng Nutrient Reference Values ng potassium para sa mga nakatatanda ang isandaang gramo ng kamatis. Mayroong mga pag-aaral na nagpapakita na ang mataas na dietary potassium na nakukunsumo ng tao ay maaaring makapagpababa ng posibilidad ng pagkakaroon ng stroke at iba pang heart diseases.

May laman ding grupo ng phytochemicals ang kamatis na tinatawag na carotenoids kabilang na ang lycopene, lutein, at beta-carotene. Mahahalaga umano ang mga ito para mapanatili ng malusog na mata. Mayroon din kasing pag-aaral na nagpapakita na ang mga compounds na ito ay nakakatulong para maprotektahan ang mga mata labam sa macular degeneration kaugnay ng pagtanda at maging ng ilang sakit sa mata.
Ngayong may kinakaharap tayong pandemya dulot ng COVID-19 at sa pagdalas ng pag-ulan tuwing hapon, kailangan nating kumain ng mga gulay at prutas para mapanatili ang malakas na resistensya ng katawan laban sa anumang sakit.
PHOTO SOURCE:

Thursday, May 10, 2018

Ka Felix Manalo's 132nd Birth Anniversary




Ginugunita ngayong araw ang ika-132 kaarawan ni Ka Felix Y. Manalo, ang unang executive minister ng Iglesia ni Cristo.

New bishop hails from Mangaldan



Congratulations and God bless to the new bishop appointed by Pope Francis, Bishop-elect Daniel Presto, a Mangaldanian. He was born in Barangay Maasin, Mangaldan, Pangasinan on April 7, 1963.

According to CBCP News, Bishop-elect Presto who is a priest from the Diocese of Iba in Zambales has been named as new bishop of San Fernando in La Union.
Bishop-elect Presto is the 4th bishop from Mangaldan, according to Sister Silvana de Vera. Other bishops from Mangaldan include Bishop Federico Limon, Bishop Jesus Cabrera, and Bishop Renato P. Mayugba.
Mangaldan is blessed to have you and is so proud of you, Bishop Presto!

Monday, April 30, 2018