Sunday, July 26, 2020

Iglesia ni Cristo celebrates 106th anniversary




Maligayang pagbati po sa lahat ng kapatid sa Iglesia ni Cristo sa pagdiriwang ng ika-106 na anibersaryo!

Malugod ko pong binabati ang mga kapatid sa Iglesia ni Cristo sa pamumuno ni Kapatid Eduardo Manalo ang tagapamahalang pangkalahatan, sa pagdiriwang ng ika-106 taong anibersaryo ng Iglesia ni Cristo. 

Napakalaki ng kontribusyon ng ating mga kapatid at ng simbahang Iglesia ni Cristo hindi lamang sa ating bansang Pilipinas, kung hindi maging sa buong mundo. Napakaraming mga proyekto at programa ang kanilang inilunsad na nakatulong sa ating mga kapwa sa iba-ibang komunidad kagaya na lamang ng mga medical mission, tree planting, at relief operations. 

Mararamdaman din ang kanilang pagtulong hindi lamang sa kalamidad, kung hindi sa ating kasalukuyang hinaharap na dagok dulot ng COVID-19 pandemic. 

Napakaganda ng kanilang tema na batay sa 1 Pedro 1:13 na, "Ilagak ang pag-asa sa biyayang darating." Napapanahon ito lalo na kung kailan nilumpo tayo ng pandaigdigang pandemyang COVID-19. Sa kabila nito, nariyan ang mensahe na nagpapalakas sa ating pananampalataya. Kaya naman, kaisa ninyo ako at handa po akong umagapay, tumulong, at sumuporta sa ating mga kapatid at sa banal na Iglesia ni Cristo. 

Muli, mainit at masayang pagbati po ng ika-106 taong anibersaryo sa Iglesia ni Cristo!


Lubos pong gumagalang,
Aldrin Soriano
Mangaldan, Pangasinan

No comments:

Post a Comment