Mahalaga ang pagkain ng mga gulay at prutas para mapanatili ang ating malusog na pangangatawan. Nagtataglay kasi ang mga ito ng natural na sustansya at bitamina. Isa sa mga sikat na prutas na madalas ay kinikilala bilang isang gulay ay ang kamatis. Madalas kasi itong ihalo sa mga inilulutong gulay.
Ang kamatis ay isang prutas na nagtataglay ng carbohydrates at ilang fiber. Mayam,an din ito sa beta-carotene na nagiging vitamin A kung nakunsumo na ng tao, vitamin C at E, ay ilang B vitamins at vitamin K. Meron din itong calcium at magnesium.
Ayon sa National Health Institutes ng United States Department of Health and Human Services, ang vitamin A ay nagpapalakas ng immune system at ng ating paningin. Ang Vitamin C at E naman ay nagsisilbing mga antioxidant sa katawan na tumutulong maprotektahan ang ating mga cell mula sa pagkasira sanhi ng free radicals. Ang vitamin K naman ay mahalaga sa blood clotting at malusog na buto.
Nagtataglay ng 6% ng Nutrient Reference Values ng potassium para sa mga nakatatanda ang isandaang gramo ng kamatis. Mayroong mga pag-aaral na nagpapakita na ang mataas na dietary potassium na nakukunsumo ng tao ay maaaring makapagpababa ng posibilidad ng pagkakaroon ng stroke at iba pang heart diseases.
May laman ding grupo ng phytochemicals ang kamatis na tinatawag na carotenoids kabilang na ang lycopene, lutein, at beta-carotene. Mahahalaga umano ang mga ito para mapanatili ng malusog na mata. Mayroon din kasing pag-aaral na nagpapakita na ang mga compounds na ito ay nakakatulong para maprotektahan ang mga mata labam sa macular degeneration kaugnay ng pagtanda at maging ng ilang sakit sa mata.
Ngayong may kinakaharap tayong pandemya dulot ng COVID-19 at sa pagdalas ng pag-ulan tuwing hapon, kailangan nating kumain ng mga gulay at prutas para mapanatili ang malakas na resistensya ng katawan laban sa anumang sakit.
ONLINE REFERENCES:
PHOTO SOURCE:
No comments:
Post a Comment