Tuesday, March 29, 2011

Media exploitation

Ang stupid talaga ng Willing Willie! Bakit halos lahat na lang ng bagay ay may katumbas na pera- simpleng pagyakap, pag-iyak, at ngayon pagsayaw ng sexy ng bata! Pinagpipiyestahan pa ng programang ito ang kahirapan! Willie never fails to irritate me sa pagpinta ng pera sa bawat mukha ng Pilipino! Professor Eleanor Agusto is right and I think na ini-exploit ng media ang exploitation sa mga bata kagaya ni Jan-jan sa kanilang episode noong March 12.

Monday, March 28, 2011

Reaksyon sa isang blogpost

Maganda ang punto mo Jervis sa pagsabing kinakailangan na nga ng mga bagong teorya na akma sa ating pag-aaral ng midya. Subalit, kinakailangan ding isaalang-alang na halos lahat sa mga guro ng ating kolehiyo, partikular na ang ating departamento, ay hindi pa handa sa mga makabagong teoryang pang-midya o siguro ay mas akmang sabihing hindi nagpapakadalubhasa sa mga teoryang ito, at si Propesor Canlas pa lamang ang wawasak sa lumang paradigm ng mga pananaliksik kung sa pag-gamit ng mga makabagong teorya ang iisipin.

Nais ko lang ding ibahagi ang nasabi ni Sir Choy sa aming klase na baka raw ay magkaroon ng kolaborasyon ang departamento ng brodkasting at ang departamento ng aralin sa sining upang mas mapalawak pa raw ang mga teoryang maaring magamit ng mga mag-aaral.

Sana lang magpatuloy pa ang mga kurso kagaya ng Komunikasyon 150 upang mas mabigyan ng malawk na perspektibo ang mga mag-aaral sa mga teoryang maari nilang magamit para sa kanilang tisis ngayong undergraduate at maging sa mga postgraduate nila.

Binabati ko si Propesor Canlas sa maayos at matibay na pundasyon ng mga teoryang kaniyang inilatag sa ating klase. Nagpapasalamat ako sa kanya at maging sa inyong mga kapwa ko mag-aaral dahil aaminin ko, boring mang basahin ang mga paksa ay naging makabuluhan ang pagkakatuto ko dahil na rin sa ating interaksyon sa loob at maging sa labas ng klase. Mabuhay tayo!

PARA pumunta sa orihinal na blogspot, i-click ITO.

Sunday, March 27, 2011

"There will be an answer..."

Mayroong nakapagsabi na ang buhay ay isang paglalakbay.
Sa  tingin ko, kahit na ano pa mang paraan ang gamitin o ano mang daan ang ating tahakin o saan man tayo makarating, at least may mararating pa rin tayo.

Para sa kapwa ko nawawala sa kanilang byahe, sa mga gustong umiba ng landas o direksyon, mayroong pa ring daan na para sa atin, at tayo ang gagawa ng daan na yun.

May daan akong nais maranasan, ngunit hindi ko pa rin tiyak kung paano makalabas sa kinaroroonan ko ngayon upang makarating doon.

Para sa mga katulad kong tagapaglakbay, para sa atin ang kantang ito.


Friday, March 25, 2011

Students Voices on the Web to the World

I first saw this in my BC 148 class last semester. And it still amazes me seeing this video- not because of aesthetics or anything but because of the message that are in here.

Thursday, March 24, 2011

Baguio City

BAGUIO CITY, miss na kita. Gusto na ulit kitang makasama sa isang gabi o higit pa. Pati na ang iyong mga strawberries na napakatamis. :)

Wednesday, March 23, 2011

Katapusan at Pagguho ng mga Pangarap

Sa wakas, natapos na rin ang aking final examination sa Media Law class.

Kasabay ng pagkatapos ng pagsusulit ay ang pagtatapos din ng aking pangarap.

Pangarap ko para sa aking mga magulang, para sa aking pamilya, para sa aking sarili.

Malayo na siguro mangyari iyon at ito ay kasinlinaw marahil ng umaga para sa isang bulag.

Tuesday, March 22, 2011

Doomed Wednesday

So I am here inside my room. Revamping my final concept paper for my audience research class. Oh, Lady Gaga why are you so hard to study on? HAHA

Anyway, I still got a final examination for my media law class under my so-urghhhh-I-do-not-know-how-to-describe professor. Now that's not libelous. HAHA

Alright, I need to be back and write, and write. Out of five papers due today, I am only done with two major papers which is 5% each in my final grade so those papers make 10 % of my final grade.

And this oh-so-nakakabaliw-na-concept paper is worth 30% of my final grade. Damn it!

Now I need to stop ranting and must finish these papers. I have not reviewed for my finals yet! Yes, I am doomed!

Monday, March 21, 2011

Finals Week

Got 5 papers due tomorrow. And also a final exam tomorrow! Oh Wednesday. I hope I can finish you victoriously.